ANDREA, JIE-ANN, LIOFER, AT KOBIE, NANANATILING BIG 4 NG “PBB CONNECT”

Matagumpay na naitanggol nina Andrea Abaya, Jie-Ann Armero, Liofer Pinatacan, at Kobie Brown ang kanilang mga pwesto sa Big 4, kaya naman sila na ang opisyal na tutuloy sa “PBB Connect” Big Night sa Linggo (Marso 14), 9 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.

Naging matindi man ang naging paghamon sa kanila nina Amanda Zamora at Ralph Malibunas bilang challengers, nanaig ang tiwala sa sarili at katatagan ng Big 4 upang ipaglaban ang kanilang mga pangarap.

Unang sumabak sa challenger task sina Andrea at Kobie na napiling kalabanin ni Ralph. Sumunod naman nagbakbakan sa pangalawang challenger task sina Amanda, Jie-Ann, at Liofer. Pinili mismo ng Kumunity ang naging challenger tasks, na kombinasyon ng mga nagdaang tasks ni Kuya sa season na ito. 

Hindi biro ang pinagdaanan ng Big 4 upang umabot sa Big Night, na siyang inaasam-asam ng 177,524 na nag-audition sa Kumu noong Nobyembre upang maging opisyal na housemate ng “PBB Connect.”

Si Andrea, ang ‘Cheerdance Sweetheart ng Paranaque,’ pinatunayang importante ang tiwala sa sarili sa bawat hamon ni Kuya mula sa secret tasks noong isolated housemate pa siya hanggang sa unang ‘Apat na Karapat Dapat’ challenge.

Ang ‘Kwelang Fangirl ng Sarangani’ na si Jie-Ann naman, pinakita ang kahalagahan ng pakikisama sa tao, kaya naman magaan ang loob ng housemates tuwing kasama siya. 

Si Liofer, ang naman, ang ‘Dong Diskarte ng Zamboanga Del Sur,’ ipinamalas ang kanyang taglay na diskarte sa tasks ni Kuya at ang pagiging responsable sa loob ng bahay.

Samantala, pinakita naman ni Kobie, ang ‘Charming Striker ng Parañaque,’ na kailangan maging matatag at positibo lang sa anumang laro ng buhay.

Sino kaya kina Andrea, Jie-Ann, Liofer, at Kobie ang tatanghaling Big Winner ng “PBB Connect?” Abangan sa “PBB Connect” Big Night sa Marso 14 (Linggo), 9 pm na mapapanood sa Kapamilya Channel sa cable at digital TV, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC, at TFC. Available na rin ang tickets para sa virtual audience via KTX.ph sa presyong P199 na mapupunta sa charity. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button