Maaari nang subaybayan ng mga manonood sa Pilipinas ang maaksyong kwento sa “Almost Paradise” sa Ingles o Filipino. Libre na ring mapapanood sa Pilipinas ang orihinal na bersyon nito, na unang ipinalabas sa Amerika noong 2020, kapag nag-download ng iWantTFC app o binisita ang iwanttfc.com.
Tampok sa episode ngayong Linggo (Abril 25) ang ilan pang Pilipinong aktor na tunay na may world-class na talento na sina Raymond Bagatsing, Lotlot De Leon, AC Bonifacio, at Ruth Alferez. Mula sa de-kalibreng produksyon ng ABS-CBN at Electric Entertainment.
Gagampanan ni Raymond, na nagbida rin sa isa pang international project ng ABS-CBN na “Quezon’s Game,” si Detective Rabara, isang bigating imbestigador na may mahalagang papel sa buhay ni Detective Kai (Samantha Richelle).
Si Lotlot naman si Gloria ang bestfriend ng ina ni Kai, na gagampanan naman ni Ruth Alferez. Si AC, ang multi-talented young star na napanood kamakailan lang sa hit international series na “Riverdale,” ang gaganap bilang batang Kai.
Si Rabara kaya ang magiging susi sa bagong kaso ng krimen sa isla? Ano ang madidiskubre nina Alex (Christian Kane) at Detective Ernesto (Art Acuna) tungkol sa nakaraan ni Kai sa kanilang sariling pag-iimbestiga? Alamin iyan sa ikaanim na episode ng unang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas.
Huwag palampasin ang mas tumitindi pang aksyon sa “Almost Paradise” sa Linggo, 8:45 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook at YouTube, at iWantTFC app (iOs and Android) at sa website ng (iwanttfc.com).
Mapapanood din sa Pilipinas ng paulit-ulit ang pinakabagong episode ng palabas ng libre sa loob ng pitong araw sa KOL sa YouTube. Sa iWantTFC naman libreng mapapanood ang iba pang naunang umereng episode sa Ingles at Filipino.
I-follow @AlmostParadiseTV at @AlmostParadisePH sa Facebook. Sundan din ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.