Nagmistulang kulay luntian ang MOA Arena dahil sa iba’t ibang OPM artists at daan-daang fans sa ginanap na taunang Acer Day 2022: The Green Mark Concert kagabi, August 7, 2022.
Kabilang sina Janina Vela, Adie, Pinoy band ‘Sud’, CLR, Awi, Yow, PPOP girlgroup ‘KAIA’, OPM Icon ‘Parokya ni Edgar’, ang ang Hari ng PPOP group, SB19 sa nagbigay buhay sa makabuluhang ganap na ito.
Ilang minuto bago magsimula ang concert, nagsimula nang dumugin ng fans ang venue. Katulad na lamang ng grupong nakasalamuha ko na pawang mga umiidolo sa King of PPOP, SB19 na kinabibilangan nina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin.
Unang nagpainit ng entablado ang isang grupo ng mga performers na nag-alay ng isang sayaw para sa pagbubukas ng Acer Day: The Green Mark Concert 2022!
Sinundan naman ng tinitingalang ‘Hari ng PPOP Group’, SB19 ng kanilang opening performance na siyang nagpakilig sa libo-libong fans mapa-loob man ng MOA Arena kasama ang mga nanonood sa Facebook Live ng ACER Philippines.
Ipinakilala rin si Robi Domingo bilang host ng nasabing event at sinamahan ang mga OPM artists at libo-libong fans nationwide kagabi.
Matapos magpakilig ng SB19, sunod na sumalang ang kanilang sister group na KAIA at naghanda ng performance na siya namang kinagiliwan ng mga manonood. Pinerform ng girlgroup ang kanilang mga kantang KAYA at BLAH BLAH.
Nagpakilig rin ang singer-songwriter na si Adie gamit ang kanyang dalawang awiting pumatok sa buong bansa. Ito ay ang Mahika na kanyang inawit kasama si Janine Berdin at Paraluman na pawang pasok sa TOP 50 Charts ng Spotify sa Pilipinas.
Nakisaya rin sina CLR, Awi, at Yow sa libo-libong fans na nanonood. Sama-sama silang nagrakrakan sa iisang entablado na siya namang mas nagpainit pa ng mga ganap sa gabi.
Matapos ang mga sunod-sunod na bigating performances na ibinida ng mga OPM artists, nagkaroon naman ng isang palaro para sa mga ambassadors at nagpaaliw sa mga manonood.
Agad namang sumalang sa entablado si Janina at nagpamalas ng kanyang talento gamit ang kanyang napaka tamis at hinhing boses. Inawit niya ang ‘Every Summertime’ na orihinal na inawit ni Niki. Sunod niyang ibinida ay ang kanyang orihinal na awitin na nagpatama sa karamihan sa mga manonood.
Hindi rin nagpahuli ang bandang SUD sa pagpapakitang gilas. Isa sa kanilang tinugtog ay ang sikat na sikat nilang awiting ‘Sila’.
Nakipagrakrakan din ang OPM Icon Band na ‘Parokya ni Edgar‘ kasama ang libo-libong manonood. Nagperform sila ng kabuuang bilang ng anim na kanta kasama ang Harana. Tinugtog din nila ang Pangarap Lang Kita kasama ang isang fan, gayundin ang Bagsakan kasama ang dalawang fan na bigay na bigay din sa pagrarap!
Matapos ang nakatutuwang rakrakan kasama ang Parokya ni Edgar, sinamahan naman ni Alodia si Robi Domingo sa stage para sa bigating paraffle! May isang maswerteng manonood ang nanalo ng isang Laptop mula sa ACER!
At hindi pa natatapos sa bigating paraffle ang event dahil muling bumalik sa entablado ang pangmalakasang PPOP Boygroup, SB19, sa entablado! Muling nagpakilig ang five-member group sa kanilang mga fans sa pag-awit at pagsayaw sa kanilang mga awiting, What?, Tilaluha, Mapa at SLMT.
Dagdag pa rito, pinerform din ng boygroup ang theme song ng ACER Day 2022 kung saan parte si Pablo, ang leader ng SB19, sa pagsulat at paggawa ng kanta. Ito ay pinamagatang ‘Make Your Green Mark‘ kasama ang mga ambassadors sa entablado.
Matapos ang engrandeng performance ng SB19 nagbigay din ito ng teaser sa kanilang A’TINs para sa kanilang napalalapit na comeback!
Mangyaring ifollow at ilike sa kanilang mga social media accounts ang ACER Philippines para sa iba at dagdag pang impormasyon!
Twitter: @AcerPhils
Facebook: @AcerPH
Instagram: @acerph