ABS-CBN NEWS, KATUWANG MAHIGIT 50 ORGANISASYON SA MALAWAK NA PAGBABALITA HALALAN 2022

Muling nagkaisa ang ABS-CBN News, mga ahensya ng gobyerno, pribadong mga organisasyon, at mga paaralan upang bigyan ang mga Pilipino ng komprehensibo at patas na Halalan 2022  special coverage sa iba’t ibang media platforms.

Pormal na inilunsad ang pagsasanib-pwersa ng mahigit 50 grupo sa isang virtual covenant signing kamakailan lang kung saan kanilang pinagtibay ang kanilang pagtutulungan upang masigurong magiging malinis, mapayapa, at tapat eleksyon.

Ani ABS-CBN Integrated News head Ging Reyes, mahalaga ang papel ng bawat katuwang nito sa darating na Halalan 2022.  Dagdag pa niya, makabuluhang hakbang ang pagtutulungan ng ABS-CBN at iba-ibang organisasyon para mas maunawaan ng Pilipino ang kahalagahan ng kanilang boto sa kinabukasan ng bayan.  

Kabilang sa mga katuwang ng ABS-CBN News sa pagpapalakas ng boses ng mga Pilipino sa Halalan 2022 ang Department of Foreign Affairs (DFA) Overseas Voting Secretariat, Armed Forces of the Philippines (AFP), at Department of Education.

Kasama rin nila sa pagbabantay sa eleksyon at pagsulong sa katotohanan ang Kontra Daya, Legal Network for Truthful Elections (LENTE), National Movement for Free Elections, (NAMFREL),  Management Association of the Philippines (MAP), Makati Business Club, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) Inc., Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Philippine Press Institute (PPI), Vera Files, at Vote Report PH.   

Para mabilis na mahatid sa iba’t ibang probinsya ang balita tungkol sa Halalan, nakipagsanib-pwersa rin ang ABS-CBN News sa Manila Bulletin, Daily Guardian, Mindanao Times, Mindanews, Mindanao Observer, Palawan News Oasis Media Group Corporation, Aklan Cable TV, Diamond Cable TV, Eagle Vision, Inc., Kalibo Cable TV Network, Kabankalan Community Antenna Television System (K-Cat), Masbate Community Broadcasting Company, Paradise Cable Television Network, Pakil Cable International Company, R.A. Omega Cable Television Corp, Shama Broadband and CATV Networks, Inc., Southern Leyte Times, at Tamaraw Vision Network.   

Kaisa rin ng ABS-CBN News ang iba-ibang eskwelahan kabilang ang Ateneo School of Government, Biliran Province State University, Bulacan State University, Cavite State University, College of the Immaculate Conception, De La Salle-College of Saint Benilde School of Deaf Education and Applied Studies, Far Eastern University, Fr. Saturnino Urios University, Holy Angel University, Mindanao State University Tawi-Tawi, PHINMA at PHINMA Education, Polytechnic University of the Philippines, San Beda University, Silliman University, STI College, St. Paul University Quezon City, Saint Louis University, University of the Philippines, University of San Agustin, University of Santo Tomas, University of the Philippines-Los Banos, Visayas State University, at Xavier University-Ateneo de Cagayan. Kasama rin ang ABS-CBN News sa adhikaing ito ang Unilever Philippines.

Sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN News sa iba’t ibang grupo sa bansa, maaasahan ng Pilipino ang mabusisi at malawakang paghahatid ng balita tungkol sa Halalan 2022 kahit pa tayo ay nasa gitna ng pandemya.  

Nauna na ang ABS-CBN News sa paglunsad ng mga programa kung saan mas makikilala pa ng mga Pilipino ang mga kandidato tulad ng “Sino SENyo? The Senatorial Candidates’ Interview” at “Ikaw ang On The Spot: The Presidential Candidate’s Interview at Vice Presidential Candidate’s Interview” sa TeleRadyo. Mga isyu kaugnay sa eleksyon naman ang tinatalakay sa “POV: XYZ” Halalan 2022 podcast at “Tina Monzon Palma Reports” sa ANC. Nakipagtulungan din ang “Bayan Mo, iPatrol Mo” citizen journalism movement ng ABS-CBN News sa Star Magic at mga eskwelahan at komunidad para sa voter registration and education campaign nito. 

Patuloy rin ang paghahatid ng balita at digital features ng ABS-CBN News Digital sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at news.abs-cbn.com. Nitong taon, napapanood na rin muli ang flagship newscast ng ABS-CBN na “TV Patrol” sa free TV sa A2Z, bukod sa cable sa Kapamilya Channel, TeleRadyo, ANC, at sa digital sa iWantTFC, ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN News App, at ABS-CBN Radio Service App.

Para sa ibang ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button