Pagtatagpuin ng tadhana ang mga landas at puso nina Mylene Dizon at Kit Thompson sa pinag-usapang 2019 Cinemalaya entry na “Belle Douleur,” na mapapanood na nang libre sa iWant.
Matapos ipalabas sa mga sinehan noong Agosto, makakuha ng papuri, at manalo bilang 2019 Audience Choice Award (Full-Length Feature Film) sa Cinemalaya, kasali na ang “Belle Douleur” sa higit 1,000 na koleksyon ng mga libreng pelikula na mapapanood sa iWant.
Iikot ang kwento nito sa 45 anyos na si Liz (Mylene Dizon), na hindi inaasahang makikilala ang mas batang antique collector na si John (Kit) nang bilhin nito ang kanyang mga lumang gamit.
Tila ihip ng tadhana ang nagbuklod sa dalawa, dahil nagkakilala sila pagkatapos mangako si Liz sa sarili na susubukan niyang gawin ang mga bagay na hindi pa niya nararanasan. Agad-agad naman silang mahuhulog sa isa’t isa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad.
Magkasamang papatunayan ng dalawa na walang pinipiling edad ang totoong pagmamahal, pero sapat na kaya ito para magtagal ang kanilang pagsasama?
Ang “Belle Douleur” ay ang directorial debut ni Atty. Joji Alonso matapos ang 15 na taon niyang pagpoprodus ng higit sa 39 na pelikula. Ito rin ay isinulat ni Therese Cayaba at ipinrodus ng Quantum Films at iWant.
Panoorin ang “Belle Douleur” sa iWant sa pamamagitan ng pag-download ng app sa iOs o Android, o bisitahin ang iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundin ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.