Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng BRGY S2S sa Tandang Sora, Quezon City noong nakaraang buwan, dadalhin ng Surf2Sawa at Converge ang walang-sawang saya, palaro, at papremyo sa mga Cebuano. Kasabay nito ang pagpapakilala ng mas pinabilis na prepaid fiber internet sa probinsya ng Cebu.
Ayon sa mga ulat, ang Central Visayas ay ang naging pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa buong bansa noong nakaraang taon, na nagpapakita ng patuloy na pag-unlad ng rehiyon. Kaya’t ikinagagalak ng Surf2Sawa na maghatid ng kasiyahan sa Cebu at ipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan sa bawat komunidad.
Ang Surf2Sawa, o S2S, ay isang prepaid fiber internet plan na abot-kaya, walang limitasyon, at walang kontrata. Naghahatid ito ng oportunidad sa bawat tahanang Pilipino na makakonekta sa internet na may bilis na umaabot na ngayon hanggang 50 Mbps (mula sa dating 25 Mbps), sa halagang P4.00 kada araw bawat user, na kayang suportahan ang hanggang anim na devices. Bilang isang prepaid service, maaaring pumili ang mga customer ng top-up options na pasok sa kanilang budget—mula P50 para sa 1-araw na serbisyo hanggang P700 para sa 30-araw na unlimited connectivity.
Ang Surf2Sawa ay hindi lamang isang internet service kundi isang inisyatiba ng Converge upang bigyang-daan ang bawat tahanan sa Pilipinas na magkaroon ng abot-kayang, walang-limitasyon, at madaling ma-access na internet. Sa pamamagitan ng serbisyong ito, makakatulong ito sa mga mag-aaral at mga naghahanap-buhay na nangangailangan ng maasahang koneksyon sa internet.
Ayon kay Converge Head of Consumer Marketing Ms. Sandra Zira Tubale-Dingal, ang internet ay hindi na lamang isang luho kundi isang pangunahing pangangailangan ng bawat Pilipino, tulad ng tirahan, tubig, kuryente, at pagkain. “Misyon ng Surf2Sawa at BRGY S2S na magdala ng pinaka-abot-kayang high-speed internet sa bawat barangay sa Pilipinas, para lahat ay konektado sa digital world, lalo na para sa trabaho at eskwela,” aniya.
Dagdag pa ni Mr. Dhing Pascual, Vice President at Business Unit Head ng Converge ICT, ang pangunahing layunin ng BRGY S2S ay ang makatulong sa mga kababayang walang internet access o nahihirapan sa mahal na internet plans. “Mahalaga sa amin na magbigay ng abot-kayang internet sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng Surf2Sawa, mabibigyan namin sila ng maasahang serbisyo. Ang S2S ang magiging abot-kayang internet ng bayan na laging ready ‘pag kailangan,” dagdag ni Pascual.
Bukod sa unlimited internet, magdadala rin ang BRGY S2S ng walang-sawang saya at papremyo kasama ang mga kilalang personalidad tulad nina Melai Cantiveros, Cheche Tolentino, Joy Cancio, at SB New Gen. Kasama sa mga exciting activities ang Zumba2Sawa, banda musiko, at libreng food carts at pampering services tulad ng gupit at masahe. Meron din ang pinakaaabangang Dance2Sawa competition, special dance numbers, at Sugod Barangay segment kung saan tatlong pamilya ang mananalo ng isang taong libreng internet at iba pang premyo mula sa Surf2Sawa.
Sa araw ng event, lahat ng mag-susubscribe sa Surf2Sawa ay makakatanggap ng 50% discount sa installation fee at mabibigyan ng linya sa mismong araw, sa ilalim ng Instant Connect promo ng BRGY S2S.
Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng makulay na selebrasyon ng Surf2Sawa ngayong darating na Sabado, Setyembre 21, 2024, sa Talisay City Plaza, Barangay Poblacion, Talisay City, Cebu, mula 7AM hanggang 6PM. Ang libreng event na ito ay puno ng walang-sawang saya at serbisyo, bahagi ng ambag ng Converge ICT para sa mas konektadong bansa sa digital na mundo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BRGY S2S at Surf2Sawa, bisitahin ang kanilang official website sa https://surf2sawa.com o i-follow ang kanilang Facebook page: www.facebook.com/Surf2Sawa.