Agad na nakapaghatid ng tulong sa mga Kapamilya sa Abra na naging biktima ng 7 magnitude na lindol noong Hulyo 27 ang ABS-CBN Foundation katuwang ang ABS-CBN News and Public Service.
Nasa 550 na pamilya ang nabigyan ng relief packs sa barangay Cabaroan, Velasco, at Bumagcat sa bayan ng Tayum na malapit sa sentro ng lindol, habang 427 naman na pamilya ang nahatiran ng ayuda sa barangay Cayapa at Bacooc, Lagangilang upang ipadama sa mga taga-Abra na hindi sila nag-iisa.
“Salamat din sa inyo at natunugan niyo agad kami at nag-respond kayo,” ani Edwin Solano, Local Disaster Risk Reduction and Management officer sa isang panayam sa “TV Patrol.”
Ayon kay Edwin, nakabuo na rin ang LGU ng Tayum ng Incident Command Post para tugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhang residente.
Pwede ring magpaabot ng tulong sa mga nilindol sa Abra sa pamamagitan ng pag-donate sa Gcash. I-tap ang Pay Bills, piliin ang Others, at i-tap ang #GcashGivesBack. Isa ang ABS-CBN Foundation sa mga partner NGO ng GCash na makakatanggap ng mga donasyon.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.