Patuloy ang mga pasabog sa bahay ni Kuya dahil dalawang housemates ang muling magpapaalam sa gaganaping double eviction ngayong Sabado (Disyembre 11) sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition.
Anim na housemates kabilang sina Anji Salvacion, Daisy “Madam Inutz” Lopez, KD Estrada, Samantha Bernardo, at Shanaia Gomez ang nalagay sa alanganin matapos silang mabigo sa tower-building task ni Kuya. Ginamit naman ng kanilang teammate na si Brenda Mage ang kanyang kapangyarihan para isalba ang sarili mula sa nominasyon kaya hindi siya kabilang sa listahan ng mga nominado.
Para bumoto sa Kumu, pumunta sa Kumu Campaigns at pillin ang “vote to save” (https://app.kumu.ph/VotetoSave) o “vote to evict” ( https://app.kumu.ph/VotetoEvict). Para bumoto via SMS, i-text ang BBS <name of housemate> o BBE <name of housemate> at i-send sa 2366.
Samantala, kahit nanalo ang team nina Alexa Ilacad, Eian Rances, Jordan Andrews, Alyssa Valdez, Karen Bordador, at TJ Valderrama sa nakaraang tower-building task na nagbigay sa kanila ng immunity sa nominasyon, na-evict pa rin sina Karen at TJ dahil nominado sila noong nakaraang linggo at nakakuha ng pinakamababang boto mula sa outside world.
Nakakuha si Karen ng 16.42% ng boto habang -03.05% naman ang nakuhang boto ni TJ. Naligtas sa unang double eviction noong Linggo (Disyembre 5) sina Alexa (36.95%) at Samantha (28.03%).
Nagpasalamat naman sina Karen at TJ sa kanilang kapwa housemates bago tuluyan lumisan sa bahay ni Kuya.
“Hanging out with you guys was the best. You are the newest, closest friends that I have. 2021 has been amazing with you guys. Don’t forget to keep on dreaming and loving each other,” ani Karen.
“It has been my honor to cook for you, it has been my pleasure na alagaan kayo at maka-bonding kayo. ‘Wag niyo kalimutan na maging matatag lang ‘yung loob niyo. It has been great playing with you and against you,” mensahe ni TJ.
Sino kaya ang dalawang housemate na lalabas na sa bahay ni Kuya sa weekend? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.
Bukas pa rin ang online auditions para sa “PBB Kumunity Teen Edition.” Iniimbitahan ni Kuya ang lahat ng 15 hanggang 19 anyos na kabataang Pinoy na magpadala ng kanilang audition video. I-download ang Kumu at i-post o i-record ang audition video via Kumu klips, i-post ang video sa Kumu timeline gamit ang #PBBKUMUTEENS, i-share ito sa social media gamit pa rin ang #PBBKUMUTEENS, at i-fill out ang parental consent form sa (forms.abs-cbn.com/PBBKumuTeens). Hanggang Disyembre 31 ang audition period.
Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 6:30 pm ng weekend. May “Kumunity G sa Gabi” rin mula Lunes hanggang Biyernes sa Kumu kasama si Robi Domingo. I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.