“SAKTO” NINA JEFF, JOHNSON, AT AMY, ISANG TAON NA SA TELERADYO

Sa unang anibersaryo ng pagsasama-sama nina Jeff Canoy, Johnson Manabat, at Amy Perez sa “Sakto” sa TeleRadyo, pangako nilang patuloy na maghatid ng “magandang morning” sa mga Pilipino.

Mula pa Oktubre 26 noong nakaraang taon, sina Jeff, Johnson, at Amy ang kasa-kasama ng mga Pinoy sa pagsimula ng kanilang araw. Sa tulong ng ABS-CBN newsgathering team, handog nila ang bagong impormasyon at balitang mahalaga sa bawat Pilipino, gayundin ang masayang kwentuhan at pakulong magpapangiti sa kanilang viewers.

Maski hindi nasa iisang studio, tunay na matibay ang koneksyong nabuo ng mga anchor sa kanilang pagtaguyod ng isang morning show sa kasagsagan ng isang pandemya.

“Constant communication is the key talaga.  We do a zoom get together para updated kami sa mga nangyari sa amin not just with work even sa personal life because sa panahon ngayon important ang mental well-being nating lahat kasi halos two years na tayo sa pandemic,” kwento ni Amy.

Ayon pa kay Jeff, bukod sa usaping buhay at palitan ng kuro-kuro sa mga nangyayari sa lipunan, may isa pa silang kinatutuwaang pagkwentuhan sa kanilang virtual hangouts.

“Palagi rin kami nag-uusap tungkol sa K-drama at naghahabulan sa episodes. Our chemistry is really based on real-life friendships that we’ve developed over the years,” aniya.

Nagpapasalamat naman si Johnson sa kanyang mga co-anchor dahil sa kanilang tulong na maipakita ang side niya na iba sa karaniwang seryosong datingan niya bilang isang Radyo Patrol reporter.

“My image before I joined Sakto was so stiff and through the help of Tyang (Amy) and Tito (Jeff), I was able to somehow lighten my mood in handling my interviews and my anchoring skills,” sabi niya.

Ngayong Oktubre, lalo pang pinagaganda ang programa, na matutunghayan na mula 6 am hanggang 7:30 am. Ngayong araw (Oktubre 29), magsisimula na ang “QuizTion,” isang mini quiz segment kung saan pwedeng manalo ng premyo. Manood lang ng “Sakto” para sa buong detalye sa larong ito.

Kasalukuyan namang kinagigiliwan sa programa ang interactive game na “Poll for You,” kung saan nakakasali sa “Kwentuhan” ang viewers sa kanilang pagsagot sa poll questions gamit ang parehong teknolohiya sa “Madlang Pi-Poll” sa “It’s Showtime.”

Patok din ang virtual Bring Me contest na “Ibigay Mo Na!”na kamakailan lang ay nagkaroon ng celebrity edition kung saan si Sheryn Regis ang naglaro para sa isang lucky viewer.

Pinalakas na rin ang lifestyle at showbiz features sa programa bilang pambalanse sa mga mabibigat na balita sa umaga. Isang halimbawa na riyan ang panayam nina Jeff, Johnson, at Amy kay Christian Lagahit, ang Pilipinong aktor sa sikat na seryeng “Squid Game” ng Korea.

Manood ng “Sakto” mula Lunes hanggang Biyernes, 6 am hanggang 7:30 am sa TeleRadyo at Kapamilya Channel sa cable at online sa iWantTFC, ABS-CBN News YouTube Channel, DZMM TeleRadyo Facebook page, at the ABS-CBN Radio Service App.

Para sa updates sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button