Kinagilwan agad ng mga manonood ang mga karakter ng mga bida sa bagong serye ng ABS-CBN Entertainment na “Init Sa Magdamag” na sina Yam Concepcion bilang Rita at Gerald Anderson naman bilang Tupe.
Parehas na nagpapakatatag sa laban ng buhay ang madiskarteng si Rita (Yam), na kahit hirap sa buhay ay nakakahanap pa rin ng paraan para matupad ang kanyang mga pangarap. Nakita naman ng mga manonood ang pagsisikap ni Tupe (Gerald) na kahit pasaway sa tingin ng lahat ay pursigidong maabot ang kanyang pangarap na maging isang doctor.
Sa unang gabi ng serye, agad na nagtrending ang #InitNgUnangGabi nationwide kasabay ng libo-libong papuri ng mga manonood online.
“Saktong sakto ang timpla no? May tamang pakilig, may tamang pakurot din sa puso!! Lalo na dun sa part ng family ni Rita at yung nasagip nyang buhay. Kaya maraming maraming salamat sa mga nurses, doctors, at frontliners ngayong pandemya,” komento ni @AltiWantTFC.
Ani ni @PrincessFrance, “At naappreciate ko na bago ang major plot points, pinapakapit muna tayo ng #InitNgUnangGabi kina Rita at Tupe, and wants/goals nila as characters. Hindi mabagal, hindi mabilis… Tamang pacing lang, enough to sustain our interest.”
Sabik na rin ang ilang manonood na makita at mapanood si JM de Guzman sa serye bilang si Peterson.
Saad ni @allisonmallari, “Kelan kaya lalabas si Peterson? Mas maeexcite ako dun. #InitNgUnangGabi”
Iprinoduce ng Star Creatives ang “Init Sa Magdamag” sa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.
Mapapanood ito gabi-gabi, 9:20 sa TV5 at A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus, sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.
Maaari rin mapanood ang advance episodes nito sa iWantTFC o WeTV iflix.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.