Inaasahang mas luluwag na ang trapiko kapag nagamit na muli ang MRT Line-3 na matatapos ang rehabilitasyon ngayong December 2021.
Tinatayang bumaba sa kalahati ang naisasakay kada araw ng MRT Line-3 mula sa 600,000 katao kada araw noong 2012. Sa ngayon, naging 300,000 katao nalang kada araw mula nang masira dahil sa maintenance practice nitong mga nakaraang taon.
Matatandaang nakipagtulugan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade sa Japan Internation Communication Agency upang magsagawa ang malawakang rehabilitasyon ng MRT Line-3. Ito ay bilang sagot sa sunod-sunod nitong naging aberya nitong mga nakaraang taon.
Ayon kay DOTr USEC. Timothy John Batan, dating bumaba sa anim na tren ang tumatakbo na maibabalik sa 20 – 22 na tren kada araw. Maaari na ring tumakbo ng may bilis na 60kph ang tren dahil naayos na ang mga baku-bakong riles.
Ibig sabihin, mas mabilis na ang pagitan ng pagdating mga tren at mas mababa na ang oras ng pag-aantay ng susunod na tren para sa mga pasahero.
Mula sa dating 10 minutong pagitan ng pagdating ng tren, bababa ito sa apat na minuto at maaaring hanggang tatlo minuto’t kalahati pa kapag tuluyang natapos ang proyekto ngayong taon.
Dagdag ni Batan, ang mga proyektong ito at ang pagkakaroon ng high capacity mass public transportation ang solusyon sa problemang traffic congestion ng bansa.