Pag-iingat sa mga scam online lalo na sa mga OFWs ang aral na hatid ng darating na “MMK” na pagbibidahan ni Dimples Romana ngayong Sabado (Pebrero 20).
Abangan ang kwento ni Shiela, isang OFW na makakakilala ng isang taong aakalain niyang makakaramay at magpapagaan ng bigat na kanyang nararamdaman dahil sa pagkakawalay sa pamilya ngunit sa huli ay isa palang scammer.
Dahil sa pagkakasakit ng kanyang asawang si Jose (Ketchup Eusebio) at patong-patong na utang, nakipagsapalaran sa ibang bansa si Shiela (Dimples) para magtrabaho bilang domestic helper.
Hindi nito inaasahan na mapupunta siya sa mapang-abusong mga amo pero kanya itong titiisin para sa pamilya.
Kaysa makahanap ng suporta at karamay sa kanyang pamilya lalo sa kanyang asawa, palagi pa siyang pagbibintangan nitong nakiki-apid at palagi na lang papaalalahanan ng kanilang mga utang kailangan bayaran.
Sumubok din siyang humanap ng kaibigan sa simbahan kaso kaysa tulungan ay parang mas dumagdag pa ang bigat na kanyang nadarama.
Kaya naman nang isang araw nang may nagsend sa kanya friend request sa Facebook at gustong makipagkaibigan ay parang dininig ng Diyos ang hiling niya na magkaroon ng taong makikinig sa kanya.
Ngunit tunay kaya ang pakay nitong pagkakaibigan?
Samantala, dapat abangan rin ang panayam ni Charo Santos sa isang representative ng Love Scam Organization, isang grupo ng mga taong tumutulong sa mga OFWs na iwasan ang mga panloloko online matapos ang episode ngayong weekend.
Sundan ang mga kwento ng pag-ibig mula sa “MMK” tuwing Sabado, 9 PM ngayong Pebrero sa A2Z sa free TV at digital TV boxes tulad ng TVplus. I-scan lamang ang digital TV box para hanapin ang A2Z channel sa Metro Manila at sa ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Mapapanood rin ito tuwing Sabado, 9 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at sa karamihang channels na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association) at digital TV boxes. Sa online, ito ay nasa Kapamilya Online Live YouTube channel at sa ABS-CBN Entertainment Facebook page, pati na rin sa TFC, iWant app o iwanttfc.com. Maaaring para naman sa manonood sa ibang bansa, masusundan ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o visitwww.abs-cbn.com/newsroom.