Kailangan niyo bang makipag-kumustahan sa mga kaibigan o kapamilya na nasa ibang lugar at hindi niyo mapuntahan dahil sa quarantine protocols? Kailangan ba ni bunso na mag-online dahil may assignment sa Araling Panlipunan? Kailangan ba ng extra kita gamit ang internet?
Para sa mas sulit at abot kayang internet, gumamit ng HOMESURF99, magaan sa bulsa ngunit bigatin ang data na nakapaloob sa promo ng Globe At Home Prepaid WiFi para sa pamilya.
Sa HOMESURF99, may 10GB na data ang pamilya sa halagang P99 lang. May 5GB na load agad ito at may 1GB na dagdag bawat araw sa loob ng limang araw. Maaaring gamitin ang HOMESURF99 para manood, mag-negosyo, makipag-kamustahan at mag-aral. Pwede naman magamit ang 1GB na dagdag bawat araw para mag-YouTube at Google. Para connected sa mga kamag-anak at mga BFF, pwedeng gamitin din ang extra 1GB bawat araw sa mga messaging app tulad ng Viber, Whatsapp at Messenger.
Pag nais naman ni Nanay na mag-shopping o mag-order ng tanghalian, puwede rin siyang mag-online at gumamit ng Lazada, Shopee at GCash para magbayad ng hindi na kailangang umalis ng bahay.
Kung si Kuya ay mahilig sa mga online game, tiyak na patok din sa kaniya ang HOMESURF99 dahil pwede niya ito magamit para makapag-Mobile Legends o kaya mag Wildrift ng League of Legends.
Pwede naman mag-aral ng bagong kaalaman sina Tatay at Nanay sa TESDA o gamitin ang Course Hero apps.
“Sulit na sulit ang HOMESURF99 dahil apat hanggang anim na mobile device o gadget ang pwedeng makagamit nito ng sabay-sabay. Bukod pa rito, malaking tipid ito dahil halos wala pang P20 bawat araw ang gagastusin para makapag-internet ang buong pamilya,” paliwanag ni Darius Delgado, Globe VP for Broadband Business.
Bukod sa sulit at siksik sa bigat na data, madali rin i-load ang HOMESURF99. Mag-load lang gamit ang Globe At Home app, GCash app o pumunta sa pinakamalapit na suking Globe Store.
Dapat tandaan na huwag palitan ang Home Prepaid Wifi SIM na nakalagay sa inyong Globe At Home modem para ma-enjoy ninyo ang abot-kaya at sulit na promo.
Suportado ng Globe ang pagsusulong ng 10 United Nations Global Compact Principles at 10 United Nations Sustainable Development Goals (UNSDG), lalong lalo na sa UNSDG goal number 9 na nagbibigay ng importansya sa papel na ginagampanan ng mga imprastraktura at mga makabagong pamamaraan para sa pag usbong at pag unlad ng mga ekonomiya sa buong mundo.