Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, ng isang ina tampok sa “24/7” ni Julia

Maraming fans na ang excited sa pagbabalik-telebisyon ni Julia Montes matapos nilang masilip ang makabuluhan at napapanahong kwentong tampok sa “24/7,” ang action-drama series ng aktres na mapapanood ngayong Pebrero.

Susundan nito ang buhay ng single mom at security guard na si Mia (Julia) na gagawin ang lahat maisalba lang ang kanyang anak mula sa epidemyang dala ng isang bagong uri ng dengue.

Sa kabila ng pag-aagaw-buhay ng anak, kailangan niyang hanapin ang gamot para sa naturang sakit bago maging huli ang lahat. Hangad din nitong magdala ng kamalayan tungkol sa mahahalagang isyu sa lipunan at tatalakayin ang responsibilidad na nararapat na gampanan ng lahat – mayaman man o mahirap – sa isa’t isa.

Ang makapangyarihang kwento ay bibigyang buhay ng powerhouse cast na kinabibilangan nina Pen Medina, Arjo Atayde, Edu Manzano, Denise Laurel, JC Santos, Anna Luna, Joross Gamboa, Melissa Ricks, Pepe Herrera, Paeng Sudayan, Eric Fructuoso, Benj Manalo, Patrick Sugui, Joem Bascon, Alora Sasam, Amy Austria, Meryll Soriano, McCoy De Leon, at Matt Evans. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Darnel Villaflor.

Huwag palampasin ang Dreamscape original series na “24/7” ngayong Pebrero na sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button