Dinagsa ng mga taga suporta ng Binibining Pilipinas 2022 candidates ang New Frontier Theater kahapon, June 23, 2022, 4:00 pm, kung saan ginanap ang pasiklaban ng mga talento ng mga naggagandahang kababaihan!
Unang nagpakitang gilas ang sumisikat ngayong P-POP girlgroup na Dione sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw sa kanilang awiting pinamagatang “Bling Bling.” Matapos ang kanilang pasabog na performance ay nagpakilala na ang 40 kandidata ng Binibining Pilipinas 2022!
Sunod ding ipinakilala ang dalawang hosts na nanguna sa entablado; Binibining Pilipinas 2021 2nd Runner Up, Meiji Cruz, kasama si Binibining Pilipinas 2021 Grand International, Samantha Panlilio!
Hindi makukumpleto ang isang Talent Competition kung wala ang mga hurado na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Owen Reyes– Klickbox Productions
- Denice Sy Munez– Ever Bilena
- Jioie Anne Ragel– Silka
- Prime Asprer– World Balance
- Precious Lara Quigaman– Miss International, 2005
- Edward Joseph Vital– Moist Diane Shampoo
- Irene Jose– BPCI
- Marjorie Go– Araneta City
- Mark Lucas– Shein
- Vianca Marcelo– Binibining Pilipinas Best in Talent 2021
Binibining Talentado
Labing-siyam mula sa apatnapung kandidata ang nagpakita ng kanilang gilas sa kanilang isinagawang pagtatanghal. Unang humarap sa hamon ay si Binibini #2 Krizzia Lynn O. Moreno na nagpakita ng husay sa pagsasayaw.
Mula sa parehong talento, nagpakitang gilas din sa pagsayaw sina Binibini #10, Fatima Kate Bisan, Binibini #11, Esel Mae P. Pabillaran, Binibini #27, Jessica Rose McEwen, Binibini #34, Christine Juliane Opiaza, at Binibini #40, Roberta Angela Tamondong.
May ilan ding humamon at humarap gamit ang kanilang naggagandahang mga tinig. Ito ay kinabibilangan nina Binibini #9, Natasha Ellema Jung, Binibini #15, Nyca Mae O. Bernardo, Binibini #25, Annalena Lakrini, at Binibini #31, Yllana Marie S. Aduana.
Mayroon ding kandidata ang tila hindi pahuhuli at pinagsama ang kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw. Ito ay sina Binibini #17, Chelsea Fernandez at Binibini #36, Jannine Navarro.
Hindi naman nagpahuli sa pagbabahagi ng kanilang mga unique na talento sina Binibini #6, Elda Louise Aznar na nag pinta, Binibini #12, Leslie B. Avila, gamit ang Arnis, Binibini #18, Ma. Isabela David gamit ang kanyang boses at iba-ibang musical instruments, Binibini #23, Nicole Borromeo, gamit ang kanyang talento sa pag sketch at pagmomonologo, gayon na rin si Binibini #39, Jasmine Omay, gamit ang kanyang galing sa pagtugtog ng violin.
Isang inspirational na monologo naman ang hinatid sa atin ni Binibini #33, Mary Justinne Punsalang, na siyang nagbigay mensahe sa ating huwag talikuran ang nakaraan at labanan ang mali para sa katotohanan!
Nagbigay aliw naman si Binibini #8, Nicole Budol, o mas kilala sa bansag na “Hipon Girl,” gamit ang kanyang awiting nagbibigay motibasyon hindi lamang para sa mga kababaihan, kundi pati na rin para sa mga miyembro ng LGBTQIA community. Nagbigay rin siya ng hint sa papalapit na paglabas ng music video ng itinanghal niyang awitin.
Bilang panghuling pagtatanghal, nagpakilig din ng mga fans ang P-POP boygroup na 1st.One sa kanilang awiting “SHOUT OUT.”
Karagdagang Impormasyon
Gaganapin ang National Costume competion ngayong paparating na ika-16 ng Hulyo at susundan naman ito ng Coronation Night kung saan itatanghal ang apat na korona para sa apat na papalaring kandidata sa paparating na ika-31 ng parehong buwan.
Mapapanood ang buong Binibining Pilipinas Talent Competition 2022 sa link na ito:
Para sa mas updated at bagong ganap ukol sa Binibining Pilipinas 2022, bisitahin lamang ang link na ito:
#BBPTalentCamp2022
#BbPilipinas2022